Baccarat Martingale Gambling Strategy Mula sa Rich9

Talaan ng Nilalaman

Ang Martingale Gambling strategy ay isa sa sikat na diskarte sa pagtaya na nilikha ni Paul Pierre Levy isang pranses na mathematician noong ika-18 siglo sa France. Ang diskarteng ito ay naging sikat sa mundo ng pagsusugal dahil sa pagiging simple at madali itong matutunan. Kailangan lang manatili ng manlalaro sa kanyang taya pagkatapos manalo at doblehin ang paunang taya pagkatapos ng pagkatalo at bumalik sa paunang taya kung manalo muli. Ang ideya sa diskarteng ito ay maibalik ang lahat ng natalong taya mula sa isang panalo. Sa artikulong ito ng Rich9 tatalakayin natin ang paggamit ng diskarteng ito sa paglalaro ng baccarat.

Ang Martingale Gambling strategy ay maaaring gamitin sa iba’t ibang mga laro sa casino na may even money bet (1:1), kabilang ang baccarat. Sa larong baccarat may tatlo kang opsyon sa pagtaya, Ito ang Banker, Player at Tie bet. Inirerekomenda ng mga batikang manlalaro na dalasan ang pagtaya sa banker dahil ito ang pinakamahusay taya sa larong ito at ang pinakamasamang taya ay ang tie bet sa napakababa ng posibilidad na manalo ito.

Sa ibaba ang isang halimbawa sa pagtaya na ginagamitan ng martingale gambling strategy:

Taya

Resulta

Kita

₱10

Talo

-₱10

₱20

Talo

-₱20

₱40

Panalo

₱10

₱10

Panalo

₱10

₱10

Talo

-₱10

Baccarat

Ang Baccarat ay isa sa kilalang card game sa casino na nilalaro gamit ang karaniwang deck na may 52 card. Ang layunin ng laro ay makabuo ng card na nagkakahalaga o malapit sa 9 na puntos. Ang mga aces ay binibilang bilang 1 puntos, ang mga face card ay 0, at ang lahat ng iba pang mga card ay binibilang bilang sa kanilang mismong halaga. Ang mga manlalaro ay mamimili kung anong kamay ang mananalo mula sa player o banker, puwede din silang tumaya sa isang tie bet kung sa tingin nila ay makakakuha ng parehas na halaga ang Player at Banker ngunit ito ay may mababang posibilidad na mangyari.

Para sa pagtaya sa banker bet, kung ito ay mananalo ang casino ay may itinakdang komisyon para dito. Bilang halimbawa ang banker bet ay may 5% na itinakdang komisyon, para sa ₱100 na taya at ito ay mananalo mababawasan ng 5% ang panalong taya na nagkakahalaga ng ₱5 bilang komisyon para sa casino. Ang larong baccarat ay laro ng pagkakataon at purong swerte, walang diskarte ang mag gagarantiya ng iyong panalo sa bawat resulta. Ang pag-unawa sa mga patakaran at paggamit ng diskarte sa pagtaya katulad ng martingale gambling strategy ay mapapahusay ang iyong paglalaro at pagkakataong kumita.

Advantages and Disadvantages ng Martingale Gambling Strategy

Ang mga diskarte ay nilikha para magkaroon ng advantage ang mga manlalaro sa paglalaro. Ngunit sa bawat mga advantage siguradong ito ay may ilang mga disadvante o panganib na kapalit. Hindi makukumpleto ang artikulong ito ng Rich9 kung hindi namin sasabihin ang mga advantages at disadvantages ng paggamit ng Martingale Gambling strategy na ito.

Advantages ng Martingale Gambling Strategy

  • Madaling mabawi ang iyong mga natalong taya
  • Mahusay na diskarte para sa paglalaro ng maikling panahon.
  • Kasabay ng pagbawi ng mga talo, Ito ay nakakabuo ng kaunting kita

Disadvantages ng Martingale Gambling Strategy

  • Ang ilang mga casino ay may limitasyon para sa maximum na taya, kaya pag ikaw ay umabot sa limitasyong ito mahirap nang gamitin ang diskarteng ito.
  • Ang diskarteng ito ay para sa mga manlalaro na malaki ang bankroll at hindi basta-basta uubra para sa mga mababa ang bankroll dahil mabilis ang takbo ng pagtaya at ang paglaki ng bawat taya sa bawat pagkatalo.
  • Hindi ito para sa matagalang paglalaro dahil ang casino ay laging nananalo sa katagalan.

Mga Uri ng Martingale Gambling Strategy

Mini Martingale Method

Ang diskarte sa Mini Martingale ay isang bersyon ng kapangalan nito kung saan limitado ang bilang ng mga double-down na taya upang mabawasan ang malalaking pagkatalo. Ang pamamaraang ito ay ginagawang mas mahirap na mawala ang iyong buong bankroll at ikakalat ang proseso. Ngunit ang mga kita ay mas kaunti at ang pangmatagalang posibilidad ng tagumpay ay pareho.

Reverse Martingale System

Kung ang normal na martingale ay pagdodoble pagkatapos ng mga pagkatalo babaliktarin natin ang pamamaraan na ito. Ang manlalaro ay kailangan mag doble sa tuwing ito ay mananalo. Sa paraang ito maiiwasan ang malaking pagkatalo at kumita, ngunit dapat bigyang pansin kung kailan dapat huminto sa pag doble ng mga taya upang maiwasan mawala lahat ng iyong mga panalo. Inirerekomenda na huminto sa pagdoble sa tuwing ikaw ay makakamit ng ikatlo o ikaapat na panalo.

Ang Grand Martingale

Ang kaibahan sa paggamit ng diskarteng ito, imbes na mag doble ng iyong mga taya sa bawat pagkatalo magdagdag ng karagdagang unit sa pagtaya pagkatapos matalo. Halimbawa kung matalo ka ng ₱10 sa unang taya imbes na tumaya ka ng ₱20 gagawin mo itong ₱25 at matalo ulet tataya ka ng ₱55. Ibig sabihin kung matalo ka ng tatlong sunod-sunod na beses at manalo ka sa susunod na round ginagarantiya nito ang pagbawi ng iyong mga natalo at manalo ng ilang unit.

Dagdag na Istratehiya sa Paggamit ng Martingale Gambling Strategy

Ang martingale na marahil ang isa sa madalas na magamit na diskarte para kumita sa paglalaro ng baccarat. Gayunpaman may ilang mga diskarte ang maaari mong idadag para mapahusay ang iyong pagtatagumpay sa paglalaro. Narito ang ilang mga diskarte na maaari mong idagdag sa paglalaro.

  • Subukang itaas ang pangunahing taya oras na makabawi sa pagkatalo
  • Maaaring subukan ang paraan ng Reverse Martingale
  • Dalasan ang pagtaya sa banker dahil ito ay may maliit na house edge’
  • Laging subaybayan ang iyong paglalaro at bahagyang baguhin ang paraan ng paglalaro kung kinakailangan.
  • Magtakda ng limitasyon sa paglalaro
  • Laging tandaan na mga betting system ang ginagarantiyang panalo sa katagalan. Ang martingale strategy ay pinapataas lamang ang pagkakataon manalo.
  • May ilang iba pang laro ang maaaring gamitan ng martingale strategy
  • Para sa mga manlalaro ng online baccarat mahusay na magsanay sa mga demo mode ng systema sa pagtaya para maiwasan ang kawalan ng malaking pera.

Para sa paglalaro sa casino marami pang ibang paraan sa pagtaya ang maaari mong gamitn. Ang ilang sa mga ito ay kinakailangan ng matagal nang karanasan sa paglalaro. Maaring tumutok sa ilan sa mga artikulong ginawa ng Rich9 para sa iba’t ibang istratehiyang ito. Ngayon alam mo na kung ano ang Martingale Strategy subakan ito sa demo mode at tignan kung ito ay gumagana para sa iyo. Maligayang paglalaro at Good Luck!

Sumali sa Rich9 at Manalo Habang Nagsasaya

Maraming mga tips ang iyong matutununan sa pagbabasa ng mga artikulo na aming ginawa sa aming website sa Rich9 Online Casino. Marami kang mababasa na gabay sa paglalaro ng laro na gusto mo. Nahuhumaling ka ba sa pag papaikot ng reel ng slot, tingin mo ba ay masuwerte ka? Bat di mo subukan ang roulette o craps. Gamitin ang iyong kasanayan sa paglalaro ng mga baraha katulad ng blackjack, baccarat o poker. Manalo habang nanunuod ng sports na gusto mo sa pamamagitan ng pagtaya dito. Anu pang hinihintay mo? Bisitahin na ang aming website at mag register!

FAQ

Ang Baccarat ay napakasimpleng matutunan at madaling tumalon at maglaro. Kapag naunawaan mo na ang mga value ng card at ang tatlong-card na panuntunan, mayroon ka ng lahat ng tool na kailangan mo para kumpiyansa mong maglaro ng baccarat.

Ang Baccarat at blackjack ay nagbabahagi ng magkatulad na mga panuntunan sa laro kabilang ang 2 card hand at minimum at maximum na halaga ng card. Ang pinakamalaking pagkakaiba ay na sa baccarat ay hindi ka mapupuso kung lalampas ka sa maximum na halaga ng kamay na 9 habang ang kamay ay nagre-reset sa 0 kung ito ay lumampas sa 9.

You cannot copy content of this page