Mga Blackjack Side Bet – Sulit Nga Ba Gamitin Ito?

Talaan ng Nilalaman

Ang larong blackjack ay isa sa mga sikat na laro sa casino dahil sa simpleng panuntunan nito at matass na inaasahang return para sa mga manlalaro nito, bukod pa dito madali itong matutunan para sa mga baguhan at gamit ang mataas mahusay na diskarte ng batikang mga manlalaro napapababa nila ang house edge ng bahay. Alam mo ba na maraming iba’t ibang mga side bet ang maaring ialok ng larong ito? 

Ang mga blackjack side bet na ito ay ginagawang kapana-panabik at potensyal na magdala ng malaking mga panalo para sa mga manlalaro. Alamin ang lahat ng tungkol sa blackjack side bet gamit ang artikulong ito na ginawa ng Rich9.

Para sa kaalaman ng nakakarami ang mga blackjack side bet ay may malaking house edge kaysa sa karaniwan, hindi naman ito kataka-taka dahil ang mga side bet ay nilikha para makaakit ng manlalaro at mapataas ang kita ng isang casino. Sabi nga nila sa kabila ng mataas na panganib ang katumbas naman nito ay malaking gantimpala. Tignan natin kung ang mga panganib na ito ay magiging kapaki-pakinabang para sa mga manlalaro.

Paliwanag sa Mga Blackjack Side Bet

Ano ang Mga Blackjack Side bet?

Ang mga blackjack side bet ay mga karagdagang, opsyonal na taya na maaaring gawin sa paglalaro ng blackjack. Ang mga ito ay maaring inaalok sa parehong land-based at online na mga casino para makaakit ng mga manlalaro at gawing kapana-panabik ang paglalaro gamit ang malaking payout na katumbas nito. para sa karaniwang payout sa pagkakaroon ng blackjack ay 1.5 beses lamang mula sa orihinal na taya, ang mga side bet na ito ay ginagawang mas mataas ng 100 beses o mas malaki pa ang mga taya.

Bilang halimbawa sa isang laro ng blackjack ang manlalaro ay maaring gumawa ang side bet na kung saan siya o ang dealer o pareho ay makakatanggap ng mga hanay ng card na may parehong ranggo o mga card na nakakabuo ng isang partikula na poker hand. Ang mga blackjack side bet ay naiiba mula sa isang orihinal na mga taya. Kaya naman maaaring manalo sa laro ang isang manlalaro at matalo sa side bet o vice versa.

Insurance bet

Ang isa sa pangkaraniwan at pinakakilala na blackjack side bet ang insurance bet na inaalok sa lahat ng laro ng blackjack. Nagiging available ang insurance bet kapag ang upcard ng dealer ay isang ace. Sa insurance bet, tumataya ang mga manlalaro na ang dealer ay makakabuo ng isang blackjack at potensyal na mag bigay ng extra kita o maging proteksyon sa pagkatalo mula dito. Ang taya ay nagbabayad ng 2:1 ngunit dahil ito ay nagkakahalaga ng kalahati ng orihinal na taya, ito ay makakatulong lamang sa mga manlalaro na matalo. 

Ang mga side bet na ito ay may napakataas na house edge. Nangangahulagan ito na ang mga manlalaro ay mas madalas na matalo kaysa manalo sa mga side bet na ito.

Paano Maglagay ng Blackjack Side Bets?

Ang mga side bet ay madaling gawin dahil may mga itinalagang lugar sa pagtaya sa mga mesa ng laro kung saan maaaring ilagay ng mga manlalaro ang kanilang mga chips kung sila ay nagbabalak na tumaya sa side bet. Para sa karamihan ng mga variation ng blackjack, ang minimum na side bet ay katumbas ng orihinal na taya o ang pinakamababang limitasyon sa pagtaya sa mesa. 

Ang mga manlalaro ay kailangan gumawa ng taya sa pangunahing laro bago ang pagtaya sa mga side bet. Ngunit may ilang laro parin ang nagpapahintulot sa pagtaya lamang sa mga ito. nakadepende parin sa patakaran ng laro ang paglalagay sa mga taya na ito.

Karaniwang Blackjack Side Bets

Maraming iba’t ibang uri ng side bets sa blackjack, ang iba ay medyo sikat at makikita sa maraming live at online na laro. Ang mga payout ay maaaring mag-iba sa iba’t ibang casino. Bukod pa rito, ang ilang variation ng blackjack ay pangunahing nakatuon sa mga side bet at ang payout para sa natural ay mas mababa sa karaniwang 3:2 payout. Narito ang ilang mga karaniwang mga blackjack side bet:

  • 21+3
  • Lucky Ladies
  • Perfect Pairs
  • Over/Under 13
  • Super Sevens
  • Royal Match

21+3

Isa sa mga side bet at ito ay batay sa mga unang card na ibinahagi sa bawat round – ang dalawang baraha na natanggap ng player at ang face-up card ng dealer. Ang 21+3 na taya ay mananalo kung ang kumbinasyon ng tatlong card na ito ay isa sa ilang posibleng poker hands, katulad ng Flush, Straight, Straight Flush, Three of a Kind, o Suited Three of a Kind. Ang lahat ng kumbinasyong ito ay pantay na binayaran sa 9:1 ngunit sa kasalukuyan, ang karamihan sa mga casino ay nagbabayad nang iba para sa bawat kamay at ang pinakakaraniwang pay table ay ang mga sumusunod:

  • Flush – Tatlong card ng parehong suit – 5:1
  • Straight – Tatlong magkakasunod na card – 10:1
  • Three of a Kind – Tatlong card ng parehong ranggo – 30:1 (25:1)
  • Straight Flush – Tatlong magkakasunod na card ng parehong suit – 40:1
  • Suited Three of a Kind – Tatlong magkaparehong card – 100:1

Lucky Ladies

Ang side bet ng Lucky Ladies ay sikat sa mga brick-and-mortar casino. Magbabayad ito kung ang unang kamay ng manlalaro ay may kabuuang 20, na may ilang mga kumbinasyon ng mga card na nagbabayad nang higit sa iba. Ang side bet na ito ay may maraming bersyon ngunit ang sumusunod na pay table ay pinakakaraniwang inaalok:

  • Player Queen of Hearts Pair plus Dealer Blackjack – 1,000:1
  • Player Queen of Hearts Pair – 200:1 (125:1)
  • Player Matched 20 (2 card ng parehong suit at rank) – 25:1 (19:1)
  • Suited ang Manlalaro 20 – 10:1 (9:1)
  • Not Suited 20 – 4:1

Ang pares ng Queens ay partikular na kapaki-pakinabang, lalo na kung ang mga card ay mga puso at ang dealer ay may blackjack. Gayunpaman, mayroong ilang iba pang mga bersyon ng panig na taya ng Lucky Ladies at sa ilan sa mga ito, ang resultang ito ay nagbabayad lamang ng 100:1.

Perfect Pairs

Ang blackjack side bet na ito ay makikita sa parehong online at land-based na casino. Ang manlalaro ay tumataya na sila ay haharap sa isang pares, dalawang baraha na parehas ang ranggo ito man ay parehong kulay o suit ang mga payout dito ay nag iiba-iba:

  • Mixed Pair (Dalawang card na magkapareho ang ranggo, ngunit magkaiba ang kulay) – 6:1 (5:1)
  • Color Pair (Dalawang card na may parehong ranggo at kulay) – 12:1 (10:1)
  • Perfect Pairs (Dalawang card ng parehong ranggo at suit) – 25:1 (30:1)

Para sa mga side bet na ito ang mga online na bersyon ay may iba’t ibang paraan ng payout, hindi lamang sa mga suited na card kundi base rin  sa mga ranggo ng mga card. Halimbawa: ang suited na Ace ay may payout na 40:1 at ang not suited na 6 ay may payout lamang na 2:1.

Over/Under 13

Ang Over/Under 13 blackjack side bet ay inaalok sa mga land-based casino ngunit bihira para sa mga online platform. Ang mga manlalaro ay tumataya kung ang kabuuan ng kanilang dalawang pangunahing baraha ay masmataas o mas mababa sa 13. Para sa side bet na ito, ang Ace ay palaging binibilang bilang 1 at kung ang kamay ng manlalaro ay umabot sa 13, ang taya ay matatalo. Ang Over/Under 13 na taya ay karaniwang magagamit sa anim at walong deck na laro at nagbabayad ito ng 1:1.

Super Sevens

Ang Super Sevens, na kilala rin bilang Super 7’s o Lucky 7’s, ay isa pang sikat na side bet. Magbabayad ito kapag mayroong 7 sa kamay ng manlalaro. Sa katunayan, ang mas maraming 7 na na-deal sa round, mas mabuti. Kung ang unang card na nakuha sa manlalaro ay 7, ang taya ay magbabayad ng 3:1. Kung 7 din ang pangalawang card, tataas ang payout sa 50:1 para sa hindi suited na pares ng 7s at hanggang 100:1 para sa suited na pares ng 7s. Narito ang kumpletong pay table para sa side bet ng Super Sevens:

  • Ang Unang Card ay isang 7 – 3:1
  • Dalawang Unsuited 7s – 50:1
  • Dalawang Katugmang 7s – 100:1
  • Tatlong 7s (mga player at dealer card) – 500:1
  • Tatlong Katugmang 7s – 5,000:1

Mayroong ilang mga variation ng side wager na ito ngunit ito marahil ang pinakamahusay na alok sa ngayon. Tulad ng nakikita mo, ang mga manlalaro na nagpasya na ilagay ito ay maaaring manalo ng mga pambihirang reward kung ang upcard ng dealer ay 7 din.

Royal Match

Ang Royal Match side bet ay matatagpuan sa maraming uri ng land-based na casino. Ang pangalan nito ay tumutukoy sa pinakamataas na bonus payout na 25:1 kapag ang unang dalawang card ng manlalaro ay nababagay sa Queen at King at ito ang pinakakaraniwang inaalok na mga kabayaran:

  • Easy Match (Anumang dalawang card ng parehong suit) – 5:2
  • suited na Blackjack – 5:1
  • Royal Match – 25:1

Sulit Nga Ba Ang Mga Ito?

Madalas ang mga blackjack side bet ay may malaking house edge. Ito ay itinuturing din na hindi nakakabuti para sa mga manlalaro dahil ang inaasahang return para sa manlalaro at talagang mababa. Bilang halimbawa ang mga side bet na may house edge na 10% ang mga manlalaro na tataya dito ay aasahan na maaaring matalo ng 10 porsyento sa kanilang pagtaya.

Advantage at Disadvantage ng Blackjack Side Bet

Advantage

Para sa mga manlalaro, may iba’t ibang opinyon ang bawat isa lalo na sa pagtingin sa isang side bet, dahil kahit anong paliwanag ang iyong gawin may ilan sa mga ito ang nagtatagumpay sa paggawa nito. Kaya naman hayaan mong ipaliwanag ng Rich9 ang ilan sa mga kalamangan sa paggawa ng mga side bet

Paglalaro ng Mabilis

Ang mga ilang manlalaro ay gusto ang mabilis na kasiyahan, kaya may ilan sa kanila ang tumataya ng malaki at umaasang manalo ng malaki. Kung ikukumpara sa paglalaro ng matagal para sa maliit na panalo. Ang mga side bet ay maaaring maghatid ng malaking panalo sa isang mabilis na panahon.

Madaling intindihin

Ang mga side bet ay ginawa upang madaling intindihin. Bukod sa mapang-akit na papremyo, ginawa ito para madaling sundin at gawin. Walang anumang mga diskarte ang kinakailangan para manalo ng malaki isang mapagpalang suwerte lamang ang kinakailangan.

Malaking Gantimpala

Katulad ng pauna na naming sinabe, ang mga side bet ay naglalaman ng malaking mga gantimpala kapalit ng malaking panganib. Ang mga side bet ay nag-aalok ng mga potensyal na malalaking halaga ng premyo. Ngunit hindi nito ginagarantiya ang siguradong panalo ay tumaya lamang na naaayon sa iyong bankroll.

Dagdagan ang Excitement

Mula sa mga dagdag na taya, ang dagdag na excitement na dulot ng mga side bet ay talaga namang kaabang-abang. Maaaring matalo ang iyong pangunahing taya ngunit ang mga side bet ay maaaring maghatid ng panalo o vice versa.

Disadvantage

Sa bawat advantage na nagagawa ng isang side, ito ay may nakatalaga ding mga disadvantages. Dahil ang Rich9 ay talaga naman pinahahalagahan ang mga manlalaro nito gumawa nilista din namin ang mga kakulangan ng mga side bet para sa aming mga manlalaro.

Masyadong Mabilis

Ang mga side bet ay madaling matapos, ilang segundo lamang ang iyong kakailanganin at pag natalo ilang segundo lamang at wala na ang iyong mga taya dito. Kaya naman madas na ipinapayo na hindi gamiting ang mga ito. Minsan may mga side bet ay maaaring magkaroon ng mas mataas na minimum na taya kumapara sa pangunahing taya mula sa laro. Ito ang nagiging sanhi ng mabilis na pagkalagas ng iyong bankroll.

Nakakasira ng Diskarte

Ang mga side bet ay maaaring maging distraction para sa mga manlalaro na gustong gusto ang paggawa ng ilang mga diskarte at pamamahala ng bankroll. Ito ay nangyayari lalo na sa paglalaro gamit ang mga diskarte sa blackjack, lalo na sa paggamit ng diskarte sa card counting.

Mas Mababang Return Para sa Manlalaro

Ang mga side bet ay talaga namang nilikha para sa casino dahil mataas nito house edge at mababang posibilidad para sa manlalaro. Ang paggamit ng side bet na ito, ay talagang ikaw ay umaasa lamang na magiging masuwerte. Kumpara sa paglalaro gamit ang mahusay na mga diskarte. Ang paglalaro sa casino ay talaga namang pagsusugal. Pero gugustuhin mo pa bang sumugal sa isa pang sugal?

FAQ

Mayroon kang pagpipilian: maaari mong gamitin ang mga iminungkahing sistema ng pagtaya na makikita mo sa online o gawin ang iyong sariling diskarte batay sa mga ito. Ngunit bago maglaro ng blackjack gamit ang totoong pera, inirerekumenda na suriin mo ang iyong napiling diskarte at ihasa ang iyong mga kasanayan sa mga seksyon ng mga libreng laro na magagamit sa online casino.

Ang maikling sagot ay hindi. Ito ay hindi kapaki-pakinabang at isang pag-aaksaya ng oras dahil sa online blackjack ay pinapagana ng random number generator sa pamamahagi ng mga card at walang konsepto ng isang deck ng mga baraha. Gumagana lang ang paraan ng pagbibilang ng card kapag ginamit sa laro ang isang deck na may partikular na bilang ng mga card.

Sumali sa Rich9 at Manalo Habang Nagsasaya

Maraming mga tips ang iyong matutununan sa pagbabasa ng mga artikulo na aming ginawa sa aming website sa Rich9. Marami kang mababasa na gabay sa paglalaro ng laro na gusto mo. Nahuhumaling ka ba sa pag papaikot ng reel ng slot, tingin mo ba ay masuwerte ka? Bat di mo subukan ang roulette o craps. Gamitin ang iyong kasanayan sa paglalaro ng mga baraha katulad ng blackjack, baccarat o poker. Manalo habang nanunuod ng sports na gusto mo sa pamamagitan ng pagtaya dito. Anu pang hinihintay mo? Bisitahin na ang aming website at mag register!

Subukan Ang Mga Alternatibong Online Casino

Maari mong Subukan ang iba pang Online Casino Site na katuwang ng Rich9 na nag bibigay sa saya, na may mga sign-up bonus at nag hahandog ng malawak na mga laro. Ang mga ito ay mapagkakatiwalaan at ligtas. Kaya mag register na sa:

Karagdagang Artikulo ng Blackjack

You cannot copy content of this page